Explore Davao part 2

2:56 pm

 Napag-isipan kong mas mainam na magtagalog ako kaysa sa gamitin ang Ingles sa pagtatalakay ng aking saglit na bakasyon sa Dabaw. Ito'y dahil sa gusto kong ipagmalaki ang Pilipinas kahit papaano sa "blog site" na ito. Sana'y napag-isipan ko ito ng mas maaga, pero, sige nalang.

 Dahil sa sobrang init nung panahong bumisita kami sa Dabaw, napagdesisyunan naming maligo sa D'Leonor Inland Resort. Ipinagmamalaki nito ang kanilang raging and wave pool. Malaki ang lugar na ito sapagkat hindi lang pool ang inaalok nila, mayroon ding wall climb, zoo, zipline, hanging bridge, atv, atbp.
 May restaurant sila't fast food. Dahil hindi kami nakakain ng agahan, dumaan kami sa fast food nila't kumain ng almusal.
 Matapos naming maligo sa pool, sinamahan ako ng kapatid ko sa Green Coffee. Malapit lang kasi ito sa Tune Hotel, kung saan kami tumuloy. Hindi ko nakayanan ang init kaya't naparaan kami sa Green Coffee.
Napilian kong uminom ng Java Chip Freezicino samantalang Choco Chip naman at Oreo Cheesecake ang kinain ng kapatid ko. Nakakahinayang talagang kumain dito, hindi dahil sa mahal o di masarap, kundi dahil sa sobrang sarap na gusto mong balik-balikan.
Ito yung reaksyon ko nung napa-isip kung ipagpapatuloy ko pang inumin yung binili ko. Dahil sa may sinusunod ako na diet program, hindi ako puwedeng kumain ng kung anu-ano maliban sa nakalista sa diet plan na iyon, pero, #YOLO eh.

You Might Also Like

0 comments

You can write down any comments and suggestions below.

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images